Manila, Philippines – Marami ang nalungkot nang inilabas na ang talaan ng mga National Artists–wala kasi ang pangalan ng inakala pa mandin nilang susunod kay Nora Aunor.
Siyempre, ito’y walang iba kundi ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Naging mainit nga ang pagkakaligwak sa aktres at Batangas Governor.
Finally, Ate Vi has spoken: “Napakatagal nang issue. But at the end of the day, ang prinsipyo ko sa buhay, if it’s meant to be, if it’s for you, it’s for you.
“Kung hindi ka nakasali, it’s fine with me.”
Unang-una na ngang ipinagpapasalamat ni Ate Vi ay ang haba ng kanyang pananatili sa industriya.
Patuloy niya: “Sa 43 years ko na sa industriya, palagay ko, naibalik na sa akin ng industriya ang malaking regalo sa akin.
“Nagkataon lang na masyado naging maingay ang huling selection.
“But with utmost sincerity, I’d like to congratulate all our National Artists.
“Si Bing Lao, naging scriptwriter ko din.”
Pero hanggang doon lang daw ang maaaring sabihin ng aktres–enough of intrigues!
“Hindi na natin dapat pang patulan. There’s so much more in life! You get my point? There’s so much more in life.
“Do not think of any negativity dahil hindi napunta sa iyo. Maybe it’s not meant to be. Again, at the end of the day, life has to go on.”
At 72 now, nagbago na din daw ang set of priorities ni Ate Vi–hindi tulad noong araw where competition was at its stiffest.
“Tatlo na lang ang priorities ko. I’m praying to God to take care of my family, health of the people I love and third, to protect my peace. I think ‘yun ang importante.”
Sa ngayon, hayaan na lang daw muna siyang maglingkod sa kanyang mga kababayan: “Hayaan n’yo akong magsilbi sa totoong buhay. Ako’y pinagkatiwalaan ng mga Batanguèño, ibabalik ko muna ‘yon.”
Ala eh…may katwiran naman pala! Ronnie Carrasco III