Ito ang naging sagot ni Finance Secretary Ralph Recto kung ano ang tsansang tumakbo ang kanyang maybahay na si Vilma Santos sa mid-term elections sa susunod na taon.
Paugong nang paugong kasi ang balitang muling tatakbong Gobernador ng Batangas ang Star for All Seasons.
Hindi na ito nakapagtataka dahil nabanggit din naman ni Ate Vi na susundin niya kung saanmang direksyon siya dadalhin.
Besides ire-reclaim lang ng aktres ang dating posisyong hinawakan.
Matatandaang ang nagsilbing baptism of fire ni Ate Vi ay nang magsilbing Lipa City mayor for three straight terms.
Pagkatapos nito’y naglingkod siya bilang first woman governor ng buong lalawigan ng Batangas.
Sinundan ito by occupying a congressional seat na natapos din niya ang termino.
And guess kung ano ang kabuuan ng kuwentong ito.
Sirit?
Bale ang magiging running mate ni Ate Vi–o ang tatakbong bise gobernador–ay walang iba kundi si Luis Manzano!
Which brings everyone to the realization na hindi pala bilang Lipa City mayor ang inaasinta ni Luis.
At kung inaakala n’yong “kumpleto na ang casting,” ‘ika nga, wait, there’s more.
Ang isa pang anak ni Ate Vi na si Ryan Christian ay balitang sa Kongreso naman tatakbo!
Eh, pag ganyan ang lineup, aba’y uwian na…may nanalo na! Ronnie Carrasco III