MANILA, Philippines – Nasunog ang isang barko na naka-angkla sa Navotas Centennial Park nitong Lunes, Setyembre 2 kasabay ng malakas na hangin na bumayo sa Metro Manila dahil sa Tropical Storm Enteng.
Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, napag-alaman na nagsimula ang sunog alas-9 ng umaga.
Nasa lugar na ang BFP at Philippine Coast Guard ngunit “firefighting and rescue are not possible due to strong winds and high waves.”
Nasagip naman ang 18 sakay ng naturang barko. RNT/JGC