MANILA, Philippines – Itinanghal na bagong independent director ng BDO Unibank si dating Trade Secretary Alfredo Pascual.
Sinabi ito ng BDO sa Philippine Stock Exchange nitong Lunes, Setyembre 2 na inaprubahan ng board ang pagkakahalal kay Pascual sa naturang posisyon sa miting noong Agosto 31.
Matatandaan na inanunsyo ang pagbibitiw ni Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Hulyo 31. RNT/JGC