Home ENTERTAINMENT Ate Vi, may pakiusap sa mga Batangeño!

Ate Vi, may pakiusap sa mga Batangeño!

288
0

Manila, Philippines- Nagpaalam si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga  Batanguen̈o na payagan siyang gumawa kahit isang pelikula during her three-year term.

Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang susunod na  proyektong gagawin ni Gov. Vi pagkatapos ng hit movie nya sa Metro Manila Film Festival last year, ang “Uninvited.”

“May mga meetings, okay,” pag-amin ni Gov. Vi. “May mga nangyayaring meetings na gjnagawa namin ngayon. Very exciting story, very exciting cast, very exciting director, very exciting script.”

Plinaplano na raw nila na gawin ang movie anytime next year.

“But, I’m still a public servant.

“Isa lang ang hiniling ko sa mga Batanguen̈os  para mapagbigyan ako.

“I will be serving Batangas again for three years. Sabi ko, sana pagbigyan nyo naman ako kahit isang movie na meron akong magawa,” lahad pa ni Gov. Vi.

Anyway, mahigit 500 copies na agad ang nabili sa libro ng Star For All Seasons titled, “Vilma Santos, ICON: Essays on Cinema, Culture, and Society,” sa ginanap na book signing nito sa SMX Convention Mall of Asia.

Tinalakay sa ‘Vilma Santos, ICON’ ang kanyang ebolusyon bilang  performer, her iconic roles, at ang pang-habang panahon na impluwensya nya sa kulturang Pinoy. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here