Home HOME BANNER STORY DPWH nakipagtulungan sa blockchain council para sa ‘integrity chain’

DPWH nakipagtulungan sa blockchain council para sa ‘integrity chain’

264
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Blockchain Council of the Philippines para ilunsad ang Integrity Chain — isang blockchain-powered platform na layong magpatibay ng transparency at accountability sa malalaking proyekto ng gobyerno.

Sa ilalim ng kasunduan, ilalagay sa Integrity Chain ang mahahalagang datos gaya ng budget, procurement, at construction milestones ng mga foreign-assisted projects ng DPWH.

Sinabi ni DPWH Secretray Vince Dizon na dapat lahat nakikita mula sa budget process, procurement, award of contract, hanggang implementation at payments sa contractors.

“Lahat dapat nakikita, lahat mino-monitor ng publiko. Ito ang malinaw na tugon ng DPWH sa direktiba ng Pangulo para tiyakin ang transparency at accountability,” ani Dizon.

Ayon naman sa BCP, sa unang pagkakataon, hindi lang integridad ang hinihingi ng pribadong sektor.

“We’re building the infrastructure to deliver it. Ito po ang Integrity Chain,” ayon sa BCP.

Sinabi ng BCP at DPWH na ang Integrity Chain ay may real-time dashboard at tamper-proof records na magsisilbing panangga laban sa katiwalian. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here