Home ENTERTAINMENT Ate Vi, sinabing manang-mana sa kanya si Baby Peanut!

Ate Vi, sinabing manang-mana sa kanya si Baby Peanut!

Manila, Philippines – Mukhang mas maraming katangian ang namana ni Isabelle Rose o Baby Peanut mula sa kanyang lola, este, Momsie na si Vilma Santos.

Mismong ang Star for All Seasons na ang nagkukuwentong marami siyang napapansin sa apo na hawig sa kanya.

For one, south paw o kaliwete si Baby Peanut and Ate Vi is left-handed, too.

Bata pa lang daw ay malakas ang pakiramdam na: “Artista ang apo ko!” as exclaimed by Vilma.

Alam daw kasi ng siyam na buwang bagets kung may camera na nakatutok sa kanya.

And once she knows she’s in front of a (cellphone) camera ay automatic na raw itong ngingiti.

Ang terminong ginamit ng aktres ay “flirting with the camera.”

At dahil dugong-artista ang nananalaytay sa mga ugat nito’y hindi raw nakapagtataka kung balang araw ay showbiz din ang larangang papasukin ni Baby Peanut.

Aminado si Vilma na “lokong-loko” siya sa kanyang apo na madalas niyang kandungin.

Every Sunday daw kasi ang kanilang family bonding.

Sina Luis Manzano with wife Jessy Mendiola and Baby Peanut ang dumadalaw sa kanya.

That’s why hindi raw nakakaligtas kay Vilma kung paanong hands-on alagaan ni Jessy ang supling nila ni Luis.

“I salute Jessy,” papuri ni Vilma sa kanyang manugang.

Iba raw talaga ang touch ng ina kumpara sa kung paano mag-alaga ang yaya.

Aside from being left-handed, namana rin daw ni Baby Peanut ang curly hair ni Vilma.

This early, balitang inuulan na ng commercial offers si Baby Peanut with her parents.

Baby pa lang, kumikita na! How much more paglaki pa? Ronnie Carrasco III

Previous articleALAMIN: Road closures para sa Panagbenga Festival 2024 activities
Next article4 abogadong Fil-Am itinalagang hukom sa California