MANILA, Philippines- Isasara ang ilang daan sa Baguio City para sa Panagbenga Festival 2024 Grand Opening and Ceremony, Street Dancing, at Floral Float Parade, ayon sa Baguio City Police Office – Traffic Enforcement unit.
Sarado ang ilang kalsada mula ala-1 ng madaling araw hanggang alas-3 ng hapon sa Feb. 3, 24, at 25, 2024 para sa grand opening, street dancing, at floral float parade. Kabilang sa mga apektadong lugar ang:
Panagbenga Park South Drive
Session Road (whole stretch)
Magsaysay Avenue
Harrison Road
Jose Abad Santos Drive
Lake Drive to Melvin Jones






