Ganito kasimple ang tugon ni Vilma Santos-Recto sa mga nagtatanong kung ano ang maio-offer ng kanyang dalawang anak na tiyak na ang pagtakbo sa 2025 mid-term elections.
Magkakasama nga ang mag-lina nang mag-file ng kanilang CoC sa kapitolyo ng Batangas City nitong October 3, Huwebes ng umaga.
Tatakbong muli si Ate Vi bilang governor ng nasabing lalawigan with her son Luis Manzano as her runningmate.
Sa 6th district naman ng Batangas tatakbo si Ryan Christian para sa Kongreso.
Marami tuloy ang interesadong malaman kung bakit pati mga anak niya’y lilinya na din sa pulitika.
Ani Ate Vi, three years old pa lang noon si Ryan nang maging public servant siya.
The actress first served as Lipa City Mayor.
Twenty eight years old na ngayon si Ryan while Luis is 43.
Noon pa man daw ay kinamulatan na ng mga ito ang mundong pinasok niya.
Even to this day na Finance Secretary na ang asawang si Ralph Recto.
In Ralph’s absence, it’s Luis and Ryan who get exposed particularly to the BatangueƱos, in affairs such as in barangays and communities.
“Nakita nina Luis at Ryan ang buhay ng mga tao, they can feel them.
“Ramdam nila ang pagtulong sa tao,” sey ni Ate Vi.
As for Luis being her ka-tandem: “I need him for technology, for social media. New blood kasi. Kahit noong governor ako, he was active!”
Collective team work daw ang maipagmamalaking kanyang pamilya para mas matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
“Serbisyo, paglilingkod sa abot ng aming makakaya ang inaalay namin.
Ang tao naman ang magdedesisyon,” saad pa ng aktres.
Kung matatandaan, at a recent interview Ate Vi stated na naghihintay siya ng senyales kung itutuloy niya o hindi ang muling pagsabak sa pulitika.
It turned out na hindi siya makahindi sa dami ng mga humihiling sa kanya. Ronnie Carrasco III