Manila, Philippines- Bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Day, tinalakay ng episode ng ‘CIA with BA’ ang mga katanungan kaugnay sa karapatan at benepisyo ng mga guro.
Isa sa mga isyung inilabas ay ang tungkol sa pagtanggap ng holiday pay sa panahon ng summer break.
“‘Yung kapatid ko po kasi, bagong guro sa isang private school. Nagtataka siya kung bakit hindi siya nakatanggap ng regular holiday pay samantalang naka-summer break lang naman po sila. Tama kaya ‘yung pasahod nung school?” tanong ng isang miyembro ng Mariteam.
Diretsahang sinagot ito ni Senator Alan Peter Cayetano ng, “Yes.”
“During semestral breaks, hindi kasama sa pagkwenta ng [sweldo ng] teachers ‘yung mga holidays do’n. Pero ‘yung Christmas break, kasama ‘yon,” paliwanag niya.
Nilinaw pa niya na hindi obligasyon ng mga private schools na magbigay ng holiday pay sa panahon ng mga bakasyon tulad ng summer at semestral breaks.
Umayon naman si Kuya Boy Abunda kay Sen. Alan ngunit nakiramay naman siya sa nangyari sa guro.
Ang ‘CIA with BA’ ay ponangungunahan nina Sen. Alan at Pia Cayetano kasama si Kuya Boy, at umere tuwing Linggo ng alas 11:00 ng gabi sa GMA7, na may mga replays sa GTV sa sumunod na Sabado ng alas 10:30 ng gabi. JP Ignacio