Home ENTERTAINMENT Atong, 2014 pa nanliligaw kay Sunshine!

Atong, 2014 pa nanliligaw kay Sunshine!

Manila, Philippines – Mabuti pa ang ibang netizens, parang kilalang-kilala nila si Atong Ang.

Kung tutuusin, basic lang naman ang pagkakakilala sa kanya–simpatiko, well-groomed, magaling magdala ng damit, walang beer belly, fit.

Sa isang banda, the netizens are familiar with Atong dahil isa siyang negosyante at business partner ni Gretchen Barretto.

Ngayon, nadagdagan na–nobyo ni Sunshine Cruz.

Hati ang mga netizens kung personal side ni Atong ang pag-uusapan.

On one side, may nagsasabing may sabit ito–meaning, very much married.

On the other side, many insist na annuled na raw ang kasal nito.

Common sense na lang daw ang pagkakaroon ni Atong ng lakas ng loob para ilantad ang relasyon nila ni Sunshine, to think nito lang ang ginawang pag-amin nito sa kanyang lovelife.

On Sunshine’s part naman ay walang problema as her marriage to Cesar Montano has long been annuled.

Tinitiyak din ng mga netizens na in the know na noon pa palang 2014 nagsimulang manligaw si Atong kay Sunshine.

Doing the math, ganoon katagal naghintay si Atong bago napasagot ang aktres?

If so, it’s worth the long wait! Ronnie Carrasco III