Manila, Philippines – Kung ikaw ay a-attend ng Christmas party ng iyong gym buddies na karay ang kanilang nobya o misis, will you also tag along your significant others?
Dito binase ng mga shippers nina Kim Chiu at Paulo Avelino na hindi lang magka-loveteam ang dalawa kundi magkasintahan na!
Paano ba naman kasi, kinaray ni Paulo ang Chinita Princess sa Christmas party attended by his gym buddies.
Welcome sa nasabing pagtitipon ang mga partners ng mga gym chums ni Paulo– either girlfriends or wives ng mga ito.
Since si Kim ang kinaray ng aktor, what does that make of her?
Eh, ‘di pasok si Kim sa kategoryang nobya ni Paulo!
Ngayon subukan ng dalawa na itanggi ang kanilang relasyon!
Bale gym buddy rin ni Paulo si Alden Richards.
But since wala naman tayong nababalitaang girlfriend ni Alden ay wala itong isinama sa party.
Mapapansin nga sa group photo ay feeling “belong na belong” si Kim.
Actually, there are times na sabay nagdyi-gym sina Kim at Paulo that’s why the Kapamilya actress has made a lot of friends at the gym.
May larawang kuha rin kina Alden at Kim.
The netizens can only wish na magsama sila sa isang proyekto dahil sure silang maghi-hit ito.
Although let’s face it, malabo nilang mapantayan ang Hello Love Again nina Kathryn Bernardo at Alden if ever. Ronnie Carrasco III