Home ENTERTAINMENT Coco, may banta!

Coco, may banta!

Manila, Philippines – Tototohanin nga ni Coco Martin ang kanyang “banta” na mas marami pang kaabang-abang na pasabog ang Batang Quiapo sa 2025.

Bagama’t berbal lang ito, obyus na naghahanda na ang pantapat ng GMA–ang Mga Batang Riles.

Topbilled by Miguel Tanfelix, it premieres on January 6.

Parang hindi naman “threatened” ang BQ kahit halos ipagduldulan na ni Miguel na tangkilikin ito.

Miguel ramming it down our throats as if pakakainin niya ng alikabok ang serye ni Coco?

Excuse me, baka it’s the other way around!

May promo ek-ek pang nalalaman si Miguel nang nasa Taipei, Taiwan siya.

He flew kasi a hot air balloon kung saan nakasulat ang mga katagang: “Ang tunay na aksyon…Mga Batang Riles!”

Ows, talaga lang?

No wonder, ngarag si Miguel para i-promote ito nang bonggang-bongga to the point na wala na siyang time para sa nobyang si Ashley Ortega.

Let’s see if Miguel’s “hardsell promo” will pay off.

Batang Quiapo versus Mga Batang Riles?

No match! Ronnie Carrasco III