Home ENTERTAINMENT Atong at Shine, ikakasal na?; Wedding gown, P44-M!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Atong at Shine, ikakasal na?; Wedding gown, P44-M!January 6, 2025 18:09 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Mukhang hindi na mapipigilan ang pagkalembang ng wedding bells para kina Sunshine Cruz at Atong Ang.Viral sa ngayon ang Reel sa Facebook kung saan may pasilip sa isusuot na wedding gown ng aktres.Ayon sa graphics na naka-superimpose sa photo ng damit pangkasal, nagkakahalaga lang naman ito ng P44-M.Tadtad ito ng diamonds sa palibot ng parte sa itaas.Diamond-studded din ang harapan nito na masusulyapan ang kapiranggot na cleavage area ni Sunshine.Sa pinaka-bodice nito’y nagmumura pa rin ang mga diamonds.Partial lang ang kuha sa gown pero walang duda that Sunshine will look regal on it.Fit only for a queen ang overall look nito.Matatandaan ngang kamakailan ay inamin ni Atong sa programang Agenda ni Pinky Webb sa Bilyonaryo news channel ang tungkol sa kanila ni Sunshine.Kagyat namang kinongratyuleyt ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano ang magkasintahan.Hinangaan din ni Cesar si Atong sa kanyang pag-amin, further saying na hangad niya ang kaligayahan ni Sunshine.Dagdag pa ni Cesar, whatever makes their three daughters happy makes him happy as well.Kung pursigido ngang pakasalan ni Atong si Sunshine, ibig lang sabihin ay wala nang legal impediment ito.May mga nagsasabi kasing hindi pa ligal ang pakikipaghiwalay ng negosyante sa misis nitong si Iris.So far, puro positibo ang mga komento tungkol sa relasyong Sunshine-Atong.Kung wedding gown pa lang ng bride ay nagkakahalaga na ng P44-M, how much more ang nakalaang budget sa kasal hanggang sa reception?Bongga! Ronnie Carrasco III