ITALY – Opisyal nang binuksan nitong Linggo, Enero 5 ni Basilica Archpriest Cardinal James Michael Harvey, ang banal na pinto ng Saint Paul’s Outside the Walls na minarkahan ang pagkumpleto ng sagradong tradisyong ito sa mga pangunahing basilica ng Roma para sa Jubilee ng Simbahang Katoliko 2025.
Ang kaganapan ay sinundan pagkatapos ng pagbubukas ng mga ‘holy door’ sa Saint Peter’s Basilica noong Bisperas ng Pasko ni Pope Francis, sa Rebibbia prison noong Disyembre 26, sa Saint John Lateran noong Disyembre 19, at sa Saint Mary Major noong Bagong Taon.
Sa susunod na taon, ang mga Katoliko ay maaaring lumakad sa mga banal na pintuan na ito upang makakuha ng plenary indulgence, isang espirituwal na biyaya na ipinagkaloob ng Simbahan para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang Jubilee 2025, na may tema ng pag-asa at pagpapanibago, ay nangangako ng makulay na iskedyul ng mga relihiyosong kaganapan, kultural na pagtatanghal, kumperensya, at konsiyerto.
Ang Holy Year ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 30 ilyong pilgrims sa Roma na nag-aalok ng pagkakataon para sa espirituwal na pagninilay at pagdiriwang ng komunidad.
Habang nagbubukas ang Jubileo, ang mga sagradong lugar na ito ay magsisilbing sentro ng debosyon, na nag-aanyaya sa mga mananampalataya na yakapin ang pagbabagong mensahe ng Hloy Year. Jocelyn Tabangcura-Domenden