Home NATIONWIDE No-fly, no-sail zone mahigpit na ipatutupad sa Traslacion 2025

No-fly, no-sail zone mahigpit na ipatutupad sa Traslacion 2025

MANILA, Philippines – Ipapatupad ang no-fly at no-sail zone na polisiya sa kahabaan ng ruta ng Traslacion sa Enero 9, ayon sa Manila Police District (MPD).

Ayon kay MPD chief P/Brig. General Arnold Thomas Ibay, ang pagbabawal ng pagpapalipad ng mga drones ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Habang ang no-sail policy naman ay magiging epektibo sa mismong area ng Traslacion mula Eenro 6 hanggang 10.

Mahigit 14,000 police personnel at force multipliers naman ang idedeploy upang masiguro ang pagsasagawa ng prusisyon, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) noong Linggo na ang kumprehensibong security plan ay ipapatupad sa koordinasyon ng iba pang ahensya, local governemnts, at religious groups para sa Traslacion.

Upang mapamahalaan naman ang buhos ng mga deboto, ang PNP specialized units ang in-charge habang ang Intelligence Group and Anti-Cybercrime Group (ACG) nito ay mahigpit na magbabantay sa anumang potensyal na pisikal at digital threats.

Nakastandby din ang medical teams at quick response units para mabigay ng tulong sa mga deboto sakaling may emerhensiya.

Pangangasiwaan naman ng PNP Highway Patrol Group (HPG) at local traffic enforcers ang daloy ng trapiko at pagpapatupad ng rerouting schmes upang mabawasan ang mga pagkagambala para sa parehong mga deboto at pangkalahatang publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden