MANILA, Philippines – Umabot na sa 843 ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng paputok noong holiday season, sinabi ng Departmet of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 6.
Kasama na rito ang 11 kaso mula sa nakaraang mga araw kasama ang huling iniulat mula noong bisperas at mismong araw ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sinabi ng DOH na ang 843 mga kaso na naitala mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 6, 2025 ay 38% na mas mataas kaysa 610 mga kaso noong 2023.
Nananatili naman sa apat ang kumpirmadong namatay –tatlo ang may kaugnayan sa fireworks-related injuries at isang bitkima ng stray bullet.
Nitong Linggo, kinumpirma rin ng DOH ang isa pang nasawi na 54 anyos na lalaki mula Calabarzon na nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay mula sa pagsabog ng kwitis.
Ayon sa DOH, bagamat legal na paputok ang kwitis, ito ay mapanganib pa rin at isa sa nangungunang sanhi ng injuries kabilang ang 5-star at boga.
Karamihan sa nagtamo ng injury ay mga lalaki na nasa 696 kaso at edad 19 pababa ay (499 kaso). Jocelyn Tabangcura-Domenden