Home NATIONWIDE Higit 1.2M indibidwal nagtipon sa outdoor mass sa Spain kasama si Pope...

Higit 1.2M indibidwal nagtipon sa outdoor mass sa Spain kasama si Pope Leo

1
0

SPAIN – Mahigit 1.2 milyong tao ang nagtipon sa Cibeles Square, Madrid nitong Linggo, Hunyo 7, para sa outdoor Mass kasama si Pope Leo – ang pinakamalaking event sa kanyang isang linggong pagbisita sa Spain.

Sa sermon, hinikayat ni Leo ang mga Katoliko na tumulong sa kapwa at binigyang-diin na kasama ng Diyos ang mga mahihirap, inaapi, at pinabayaan.

Sinabi rin ng Papa sa alkalde ng Madrid na sana manatiling malugod at inklusibong lungsod ito.

Sinimulan niya ang biyahe noong Sabado sa pakikipagkita sa mga migrante, walang tirahan, at 600,000 kabataan.

Sa June 6-12 trip, pupunta rin siya sa Barcelona at Canary Islands para makipagkita sa mga migrante mula West Africa.

Ayon kay Leo, hangad niyang maging halimbawa ang biyahe sa paggalang sa “bawat tao” at panawagan sa mga lider na itigil ang paghahati sa mamamayan.

Pagkatapos ng Misa, nakipagkita pa si Leo sa kapwa Augustinian at sa mga personalidad mula sa entertainment, sports, at culture sa Madrid. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here