Home ENTERTAINMENT Atong, umamin, GF na si Sunshine!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Atong, umamin, GF na si Sunshine!December 18, 2024 10:17 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Confirmed–kasintahan nga ng negosyanteng si Atong Ang si Sunshine Cruz.Ang pag-amin ni Atong ay nangyari sa Bilyonaryo News Channel as reported on Agenda by host Pinky Webb.Matatandaang nag-viral sa social media ang paggawad ng halik ni Sunshine kay Atong.Makikita sa viral video na tumayo ang aktres sa kanyang kinatatayuan para lumapit kay Atong na nakaupo sa isang elevated na mesa.Sapat na ang maikling paghalik ni Sunshine to fuel talks na may namamagitan sa kanila ni Atong.Kung babalikan, tila si Sunshine lang ang bukod tanging nobyang isinapubliko ni Atong.His private life had remained a puzzle for the longest time.Taliwas naman ito sa buhay pag-ibig ni Sunshine na ikinasal kay Cesar Montano.May tatlong anak silang puro babae.Their marriage, however, was annuled in 2018.Sa ngayon ay maayos nang pinakikitunguhan ng ex-couple ang isa’t isa.Sunshine’s last relationship was with Macky Mathay na tumagal din ng anim na taon.Marami ang nagulat sa rebelasyon ni Atong dahil consistent si Sunshine sa pagsasabing mga anak daw niya ang kanyang priority. Ronnie Carrasco III