MANILA, Philippines- Hindi magdedeklara ng holiday truce sa pamahalaan ang Communist Party of the Philippines (CPP) at armed wing nitong New People’s Army (NPA) ngayong taon.
Sinabi ng CPP nitong Martes na hindi ito makapagdedeklara ng ceasefire dahil sa umano’y patuloy na mga pag-atake ng pwersa ng gobyerno, na anito’y niruruyakan ang political at civil rights maging international humanitarian law.
“In anticipation of the holidays and the upcoming 56th anniversary of the Communist Party of the Philippines, units of the NPA and local peasant mass organizations in the countryside are busy preparing meetings and small assemblies in order to celebrate past victories, take stock of weaknesses and strengths, and reaffirm their resolve to wage greater struggles in the coming year,” pahayag nito.
Gugunitain ng CPP ang ika-56 anibersaryo nito sa Disyembre 26.
Pinabulaanan naman nito ang pahayag ng pamahalaan na ang New People’s Army ay mayroon na lamang isang “weakened” guerrilla front, na tinawag itong “disinformation.”
Nauna nang sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Padilla na ang natitirang “weakened” NPA guerilla front ay hindi na makapagsasagawa ng anumang major operations sa bansa.
Subalit, iginiit ng CPP na, “To boost its public image, the AFP has intensified its war of disinformation by making the ludicrous claim that the New People’s Army has only ‘one weakened’ guerrilla front.”
Hindi pa inaanunsyo ng AFP kung magpapatupad ito ng suspension of military operations (SOMO) laban sa NPA sa holiday season. RNT/SA