Home ENTERTAINMENT Atraso ni Aljur, di pa rin limot ni Kylie!

Atraso ni Aljur, di pa rin limot ni Kylie!

Manila, Philippines- Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ang labis na pagkainlab noon kay Aljur Abrenica ang dahilan kung bakit kinailangang “patayin” ang karakter ni Kylie Padilla sa Encantadia.

Si Amihan ang pangalan doon ni Kylie na isa sa mga sang’gre.

Sa muling pag-arangkada ng nasabing fantaserye ng GMA ay kahit paano, may partisipasyon si Kylie.

Siya lang naman ang nag-choreograph ng mga fight scenes nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro.

Ipinagmalaki ito ni Kylie sa kanyang social media account.

Bagama’t masaya siya, malungkot din niyang ibinahagi na limitado lang ang exposure niya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

To this day pala’y sariwa pa kay Kylie ang “atraso” ni Aljur sa kanya.

Kung hindi kasi dahil sa aktor ay tiyak na kabilang siya sa remake nito.

Pero teka, why put the blame solely on Aljur?

Hindi ba’t it takes two to tango?

Kylie should realize that she was also at fault!

Samantala, hanggang pilot episode lang humataw ang ratings ng Sang’gre.

Obviously, curious ang mga viewers.

Pero nabantilawan agad ang public curiosity na ‘yon dahil nakatsamba lang ito.

Hindi pa rin nito napataob ang Batang Quiapo!

Senyales ba ‘yan na hindi rin magtatagal sa ere ang Sang’gre? Ronnie Carrasco III