Home ENTERTAINMENT Sue at Dom, inintrigang live-in na!

Sue at Dom, inintrigang live-in na!

Manila, Philippines- Are Sue Ramirez and Dominic Roque shacked up as in nagli-live in na?

Ito ang gustong isipin ng mga netizens matapos tumambad ang kanilang tila kauna-unahang commercial endorsement.

Sa nasabing ad ay magkasama ang showbiz sweethearts na naggo-grocery.

Bale ba, ang super sweet nilang tingnan na magka-holding hands pa.

Ano’ng sinabi nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?

Hindi porke married na sina Sarah at Matteo ay wala nang kilig factor na makita sila in their sweet moments.

Same with Sue and Dom na lantaran na naman ang relasyon.

At kung sisipatin, parang regular na ginagawa lang nila ang pamimili sa supermarket.

Parang it’s a regular routine na they stock up on goods.

Kaya tuloy pinag-iisipang hindi kaya nagli-live in na ang dalawa batay sa kanilang galawan?

And what’s wrong if they are?

Both Sue and Dominic are already of age whose relationship has earned their respective parents’ stamp of approval.

So, nagli-live in na nga ba kayo, Sue at Dom?

Pakisagot please… Ronnie Carrasco IIi