Manila, Philippines – Hindi nangiming inamin ni Atty. Joji Alonzo na by far, ang MMFF entry nilang Espantaho ang pinakamahal na pelikulang prodyus ng Quantum Films.
Ayon sa producer ng 20-year-old film company, nag-shoot up hanggang P70 million ang budget.
Ito raw ang dahilan kung bakit nanginig siya at kinailangan nang humingi ng saklolo.
Alonzo then sought the help of CineKo Productions owned by Enrico Roque.
Kinumbinsi rin daw niya ang isa sa mga bida nitong si Judy Ann Santos na mag-invest.
Pumayag naman ito kaya bale tatlong kumpanya ang nasa likod ng Chito Roño suspense-horror movie: Quantum, CineKo at Purple Bunny ni Juday.
But Alonzo won’t make any disclosure kung ilang porsyento ang mapupunta sa bawat producer.
Sa halip, tiniyak ng abogada na maging siya’y na-impress sa finished product.
Sa script pa lang daw ay nakaapat na revisions na ito.
Maging ang mga shots ni Roño ay hindi naisip ni Alonzo gayong may talent din siya sa pagdidirek.
Bilib din siya sa cast nito na mas maaga pang dumarating sa set kesa kay Roño “dahil sa takot.”
Terror director kasi kung ilarawan ni Lorna Tolentino ang direktor din niya sa remake ng Patayin sa Sindak si Barbara. Ronnie Carrasco III