Ito ang acronym which stands for Rico Yan and Claudine Barretto na tawag din sa mga tagahanga ng isa sa mga tanyag na loveteam na pumaimbulog noong dekada 90.
Sa kabila nga ng paglisan ni Rico sa mortal world 22 years ago’y nananatiling aktibo’t solid ang mga tagahanga nila ni Claudine.
Masasabi ngang greatest love ng aktres si Rico.
Recognizing the unflinching love of the RYCB fans ay may regalo sa kanila si Claudine.
The actress describes her gift as “pinakaaabangan.”
It is through her gift na patuloy na mabubuhay ang legacy na iniwan ni Rico sa local showbiz.
Hindi ito isang bagay kundi isang nilalang.
Hindi rin ito basta nilalang dahil may kunek ito sa dating kasintahan ng aktres.
Ito’y walang iba kundi si Alfy Yan, 19 anyos na pamangkin ni Rico.
Alfy–Alfonso Tueras in real life–is the son of Rico’s sister Geraldine.
Isang scholar si Alfy who’s taking up marketing at the Ateneo de Manila University.
Nahihilig sa sport na baseball si Alfy.
Hindi man siya ang tumatayong manager ni Alfy, pero si Claudine ang nagdala sa kanya sa Viva Artists Agency.
Umaasa si Claudine na sa pamamagitan ng pamangkin ng kanyang greatest love ay maipapasa ng tiyuhin nito ang kanyang legacy sa showbiz.
Kaya make way for Alfy, the next Viva star to watch out for! Ronnie Carrasco III