Home ENTERTAINMENT Priscilla at Teresa, wagi sa Noble Queen!

Priscilla at Teresa, wagi sa Noble Queen!

Manila, Philippines – Dalawang bagong titulo ang nadagdag sa Noble Queen of the Universe beauty pageant na idinaos sa Quezon City kamakailan.

Ito ay ang Noble Queen Nations na ang nagwagi ay si Priscilla Mereilles.

Bale ito na ang ikatlong beauty title ng estranged Brazilian wife ni John Estrada.

Priscilla was Miss Globe in 2003.

Naging Miss Earth naman siya na ginanap sa Manila noong 2004.

Sa kanyang pagkapanalo bilang Noble Queen Nations, sinabi ni Priscilla na: “Thanks to this amazing organization for supporting women through their accomplishments, big or small.”

Ang bago ring titulo na Noble Queen Worldwide ay napunta sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Aniya, bawat “little girl” ay nangangarap na maging prinsesa o reyna o makapagsuot ng korona kahit minsan lang sa kanyang buhay.

Itinuturing ni Teresa na ang kanyang pagkakapanalo ay dream come true para sa kanya who’s already 59 years old.

Sinusuportahan niya ang naturang organisasyon na nagpapalaganap ng “kindness, purpose and service.”

Matatandaang ang early winner ng Noble Queen of the Universe ay ang dating aktres na si Patricia Javier who earlier joined Binibining Pilipinas. Ronnie Carrasco III