Manila, Philippines – Hindi rin pala nawawala ang mga “Marites” sa Senado.
Sa katunayan, “talk of the Sènate” ang umano’y namamagitan kina Senator Lito Lapid at Lorna Tolentino.
Popular na ngang talaga ang tambalang PriManda sa Batang Quiapo at maging ang mga kabaro ni Lito na sina Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Robin Padilla ay tila naniniwala na.
Pero paulit-ulit ding sinasabi ni Lito na: “Tsismis lang ‘yon!”
Gayunpaman, hindi raw siya ligtas sa mga panunukso nito.
For one, tila nagbitaw ng babala si Binoe.
Anito: “Oy, pamangkin ko ‘yan!”
Panay naman daw ngisi sina Bong at Jinggoy.
Kilalang malapit kasi si Lorna sa mga ito bilang mga dating matalik na kaibigan ng yumaong asawang si Rudy Fernandez.
As for Lorna, mas tutok ito sa kanyang mga apo kesa maghanap ng bagong karelasyon.
Samantala, pirma na lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang kallangan para maisabatas na ang Senate Bill 2797 na kumikilala sa Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines.
Si Lito ang may-akda nito, himself a Kapampangan. Ronnie Carrasco III