Bulacan – Ipinahayag ng kinuukulan na maaring managot ang mga magulang ng mga menor de edad na mahuhuling magpapaputok ng boga habang papalapit ang bagong taon.
Sa report at alinsunod sa R.A 7183, ang mga paputok at pailaw na mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok gaya ng atomic bomb, boga, five star, giant whistle bomb, goodbye philippines, goodbye world, Judas belt, lolo thunder, napoles, Pacquiao, pla-pla, super lolo, triangulo at watusi.
Dahil dito, maraming Facebook page ng barangay sa lalawigang ito ang umaksyon at nagpahayag nang pagkondena sa paggamit ng ipinagbawal na boga na lubhang nakapadelikado at umanoy maaring makamatay sa mabibiktima.
Sa Facebook post ng Brgy. Citrus sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), nakakumpiska ang kanilang tanod kamakailan ng nasa 17 boga sa mga taga-rito.
Nabatid na ang sinumang bata o nasa hustong gulang na mahuhulihan pa ng boga ay ipapatawag sa kanilang barangay para pagpaliwanagin lalo na ang mga menor de edad na posibleng managot ang magulang.
Hinikayat nila ang mga residente nai-video ang mga gumagamit nito at ipadala sa kanila para makumpiska ang kanilang boga, mahuli at tuluyang mapigil.
Kaugnay nito, ilang isla o coastal areas sa lalawigang ito gaya ng Binuangan sa Obando na may mga napapabalitang talamak ang paggamit ng boga ng mga bata at ultimo nasa hustong gulang.
Sinasabing mula sa materyales na PVC o lata na pinagdugtong, electronic gas stoves switch at denatured alcohol ay makakabuo na ng pangmasang malakanyon na boga para sa pagsalubong ng bagong taon.
Nalamang ang mga mahuhuling lumabag sa naturang batas o ordinansiya ay may kaukulang parusa at may kaakibat na multa.(Dick Mirasol III)