Home NATIONWIDE ‘Wag kumain sa simbahan sa Simbang Gabi – Quiapo Church

‘Wag kumain sa simbahan sa Simbang Gabi – Quiapo Church

Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Quiapo Church ang mga mananampalataya na huwag kumain sa loob ng Simbahan sa Simbang Gabi.

Ayon kay Rev. Fr. Robert Arellano, LRMS, parochial vicar ng Quiapo Church, maari namang magdala ng mga candy sakaling sila ay nahihilo.

Hindi rin hinihikayat ng pari ang publiko na magdala ng mga matutulis na bagay at mga bag upang magampanan din ang seguridad sa loob ng Simbahan.

Binigyang-diin ng pari na tayo ay nagsisimba upang magdasal at manalangin sa Panginoon.

Ang Misa de Gallo naman ay ginaganap sa alas-4 ng umaga at alas-5 ng umaga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)