Home ENTERTAINMENT Audrey Avila, G tumanggap ng indecent proposal!

Audrey Avila, G tumanggap ng indecent proposal!

Manila, Philippines – Si Audrey Avila ang pinakabagong bini-build up na sex siren ng Vivamax, under the helm of the veteran talent manager Jojo Veloso.

Si Audrey ay isa sa mga bida ng pelikulang Dayo, under 3:16 Productions ni Mama Len Carillo.

“Retired prosti ang role ko.

“Nanood ako ng mga films for my references sa character ko. Yung nga nuances and mga posture ng prostitute.

“Napakita ko na rin ang lahat. Pero may mapapakita pa ako, every project laging challenging at may ipapakita,” sabi naman niya sa tanong kung ano ang nakita sa kanya sa movie na Dayo.

Before siya pumasok sa Vivamax ay may film siya na nilaban sa international filmfest, yung comeback movie ni John Lloyd Cruz.

“Nagpe-pray po ako na sana in the near future, wholesome naman para mas ma-showcase natin yung talent natin.

“Ang pinaka-daring ko kasi na movie yung Pantasya talaga, kasi sexy reality show yun na may frontal nudity,” kwento niya.

Kumusta naman ang love scene nila ni Rica Gonzales sa Dayo?

“Sa amin ni Rica, ‘yung normal love scene lang. Cake by the ocean ang tawag namin.

“Sa dagat lami nag-sex so gabi siya at wala masyadong tao and sobrang hot ng eksena na yun. Quickie lang siya and hindi naman mahirap kasi naka standing lotus position kami, so hindi siya naka-expose sa dagat o buhangin.

“May bangka rin na ginamit for props,” sabi pa ni Audrey.

Inamin nj Audrey na bet din niyang magparetoke ng boobs niya.

“Hindi pa ako nagpaparetoke kasi push push lang ang ginagawa ko sa boobs ko pero gusto ko palakihin.

“For me, hindi naman talaga standard ang malaking boobs pero siyempre nasa Vivamax ako and sa POV ko, gusto ko maging malaki kasi mahirap din yung laging nagpu-push,” natatawa niyang pahayag.

Mahirap bang maghubad sa harap ng camera?

“For me may pagka-introvert kasi ako tapos biglang naging hubadera and naging artista. It takes a lot of courage para maging hunadera and hindi ito para sa lahat.

“Pero super happy ako kahit hindi ko ini-expect na mapupunta ako dito ganu’n kabilis.”

Inamij din ni Audrey na nakapanood na siya ng nga X rated movies at du’n siya humugot ng mga style sa kanyang love scenes. Kasama na rin doon ang kanyang personal na experience.

“Hindi naman tayo magmamalinis dito. Nakapanood na ako ng C rated films and ginagamit ko na rin siya sa pag-a-artista ko.”

Nagkwento rin siya sa experience niya sa one night stand.

“Na-try ko na rin ang one night stand and hindi naman ako nagsisi. But you really need to know the guy bago kayo maging intimate.”

Aminado rin siya na may mga indecent proposal na siyang natatanggap sa kanyang socmed accounts.

“Na-culture shock ako, ngayon lang ako pumasok sa showbiz industry and marami akong indecent proposals. May mga discreet na nagme-message sa akin, may offer na mga money like P500K.

“Tinatanggihan ko. Pero depende kung type ko yung guy, mag-e-enjoy na ako, meron pang half a million. Win win,” sabi pa niya.

Anyway, action genre talaga ang bet ni Audrey dahil mas may ipakikita raw siya doon.

“Mga Angelina Jolie ang peg ko.”

Kasama rin ni Audrey sa pelikula sina Marco Gonzales at Calvin Reyes.

Maipapalabas na ang Dayo soon sa Vivamax. JP Ignacio