Home NATIONWIDE Aurora dinayo ng 433K turista noong Semana Santa

Aurora dinayo ng 433K turista noong Semana Santa

0
Aurora dinayo ng 433K turista noong Semana Santa

MANILA, Philippines – Bumisita ang mahigit 433,000 turista sa Aurora sa paggunita sa Semana Santa, ayon sa Provincial Tourism Office (PTO) nitong Linggo, Abril 20.

Sa ulat, sinabi ng PIO na naitala nila ang 433,194 arrivals mula Abril 12 hanggang 18.

Kabilang dito ang 134,164 overnight guests at 299,030 same-day visitors.

Sa walong munisipalidad ng Aurora, ang Dipaculao ang may pinakamataas na bilang ng overnight guests sa 64,012, sinundan ng Dingalan sa 27,686 at Dilasag sa 17,439.

Pagdating naman sa same-day visitors, ang Dipaculao pa rin ang nanguna sa listahan sa 93,945, sinundan ng Dingalan sa 57,988, at Casiguran sa 55,704.

Samantala, ang Baler naman ay nakakuha lamang ng 5,116 overnight guests at 16,545 same-day tourists. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here