Manila, Philippines- Patuloy pa rin ang pagluluksa ng showbizlandia sa pagpanaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Bukas, April 22, ay nakatakda ang internment ng Superstar sa Libingan ng mga Bayani.
We heard, dadalhin muna sa Metropolitan Theater ang Superstar from Heritage.
Ang NCCA(National Commission for Culture and the Arts) ang punung-abala sa last day.
Sobrang nanghihinayang naman ang mga nakausap na ni La Aubor sa mga pelikulang na-oohan na niya tulad ng biopic na matagal na niyang gustong gawin more than a decade ago
Ang National Artist din at scriptwriter na si Ricky Lee ang naatasan ni La Aunor na sumulat ng kanyang auto-biograpiya, nais din nilang gawin ng Superstar ang kanyang libro.
Pangalawa, yung movie kay Direk Adolf Alix Jr. na muling pagsasamahan nila ng kapwa rin niya mahusay na aktres, walang iba kundi si Hilda Koronel ay di na tuloy.
Actually, una naming nalaman na gagawa ng movie si Hilda with Nora sa Instagram ng comebacking actress.
Say ni Hilda sa kanyang IG, “I’m very saddened by Ate Guy’s passing..we were discussing a project with her just before I left for home with direk Adolfo.
“My deepest condolences to her loved ones and rest in peace now Ate Guy you are now home with our Lord. What a big loss to our industry…but you will never be forgotten.”
At pangatlo, yung kwento ni Ronald Carballo na siya rin ang magdi-direk ng movie ni La Aunor. Julie Bonifacio