SINAMPAL ng isang taong suspensiyon ng Hockey Australia ang field hockey player ng kanilang bansa na si Tom Craig dahil sa umano’y tangkang pagbili ng droga habang naglalaro sa Paris Olympic.
Nadawit si Craig sa kontrobersiya noong Paris Olympics dahil sa pagtatangkang bumili umano ng cocaine.
Epektibo ang ibinabang suspensiyon simula noong Setyembre 9.
Bukod sa suspensyon, kailangan ding kumpletuhin ni Craig ang mandatory training at education programs.
Mas pinatindi pang pinataw na parusa dahil kaakibat ng suspensiyon ang pagbabawal na maglaroito sa anumang kompetisyon na sanctions ng Hockey Australia.
Kung maaalala, inaresto si Craig sa Parsi dahil sa tangka nitong pagbili ng nasabing droga kung saan binigyan lamang siya ng pagbabala ng mga prosecutors sa Paris.