Binalangkas ng World Bank (WB) education specialist ang isang hanay ng mga support measures na kailangan para mapahusay ang performance ng Pilipinas sa International Large-Scale Assessments (ILSAs) simula sa mga foundational skills .
Sa ILSAs Online Symposium noong Setyembre 9, sinabi ng WB experts na upang mapabuti ang mga sistema ng edukasyon, kailangang tumuon sa literacy at numeracy lalo na sa mga unang baitang, kung saan ang pagbuo ng isang matatag na pundasyon sa pag-aaral ay napakahalaga.
Inirekomenda ng isa sa senior education specialist na si Diego Luna Bazaldua na ang reporma ay dapat tumuon sa pagsasama ng literacy at numeracy sa lahat ng asignatura at paglipat mula sa content-based patungo sa competency-based curriculum.
Aniya, ito ay naging isang matagumpay na diskarte sa mga bansa tulad ng Ireland at Vietnam, kung saan bumuti ang mga resulta ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa nakalipas na dekada.
Gayunpaman, hindi sapat ang muling pagdidisenyo ng kurikulum lamang. Sinabi ni Bazaldua upang matiyak ang tagumpay ng naturang mga pagbabago, ang mga materyales sa pag-aaral ay dapat na nakahanay sa bagong kurikulum, at dapat na sanayin ang mga guro.
Ang isang karagdagang rekomendasyon ay ang magpatibay ng mga pangmatagalang pangako sa halip na mga panandaliang hakbangin.
Ipinunto rin ng eksperto ang pangangailangan na tugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon, na tinitiyak na ang mga mag-aaral mula sa lahat ng mga socio-economic backgrounds ay may access sa mga de-kalidad na kasanayan sa pundasyon sa unang bahagi ng kanilang edukasyon.
Inorganisa ng EDCOM 2 ang ILSAs Online Symposium kasama ang WB Philippine Country office at ang Philippine Institute for Development Studies upang talakayin kung paano magagamit ang ILSAs sa driving education reforna na tutugin sa pangangailangan ng mga Filipino learners.
Ang pangunahing pokus ng symposium ay ang mga resulta ng Programa para sa International Student Assessment (PISA) 2022 ng Pilipinas, na nagpakita na higit sa 75 porsiyento ng mga estudyanteng Pilipino ay mababa ang pagganap sa matematika, agham, pagbabasa at malikhaing pag-iisip. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)