Home SPORTS Australia tambak sa  SGA sa Jones Cup

Australia tambak sa  SGA sa Jones Cup

121
0

Naitala ng Strong Group Athletics (SGA) ang kanilang ikalawang panalo sa 2024 William Jones Cup matapos wasakin at tambakan ang  BSBL Guardians of Australia sa iskor na 91-69 ngayong Linggo sa Taiwan.

Hawak na ng  SGA ang 2-0 win-loss card at iniwan ang Australian na walang panalo sa 0-2.

Patuloy na nagpasikat si Chris McCullough sa kanyang debut sa pagkatawan sa Pilipinas matapos magbuhos ng 23 puntos kasama ang pitong boards, isang steal, at isang block isang araw matapos ang double-double effort nito laban sa United Arab Emirates noong Sabado.

Ang naturalized big man na si Ange Kouame ay nagbigay ng tulong na may 16 markers, 10 boards, at isang block habang si Tajuan Agee ay nag-chip ng 14 puntos, apat na rebounds, at dalawang swats.

Nanguna si Jesse Ghee sa BSBL Guardians na may sariling double-double na 19 puntos at 10 rebounds habang si Atem Bior ay humataw na may 14 na marka.

Sisikapin ng SGA na habulin ang ikatlong sunod na panalo nito sa Lunes sa pagharap nito kontra  Ukraine habang makakaharap ng BSBL Guardians ang U22 squad ng Japan sa madaling araw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here