Home METRO Road works kasado sa Pasig City; ilang kalsada apektado

Road works kasado sa Pasig City; ilang kalsada apektado

157
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na maaaring maapektuhan ang daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa lungsod dahil sa road works.

Sa abiso nitong Sabado, sinabi ng Pasig City Public Information Office (PIO) na simula sa Hulyo 16, magsasagawa ng road rehabilitation works sa kahabaan ng Sandoval Avenue sa Barangay Pinagbuhatan tuwing alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa Disyembre 31.

Sa hiwalay na abiso nitong Biyernes, sinabi ng Pasig PIO na umpisa Hulyo 15, pansamantalang isasara ang Dr. Pilapil St., saklaw ang Sapang Liwanag Bridge, sa Barangay San Miguel mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ito ay para sa konstruksyon ng double barrel concrete box culvert at road pavement, na inaasahang matatapos sa Enero 15, 2025.

Pinayuhan din ng city government ang mga motorista na dumaan sa Mercedes Avenue habang umiiral ang road works.

“Plan your trip ahead and take alternative routes. Thank you for your patience,” anang Pasig PIO. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here