Remate News Team - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 30 Oct 2026 03:03:40 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Remate News Team - Remate Online https://remate.ph 32 32 Seguridad mas hinigpitan sa inaugural session ng BARMM Parliament https://remate.ph/seguridad-mas-hinigpitan-sa-inaugural-session-ng-barmm-parliament/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=seguridad-mas-hinigpitan-sa-inaugural-session-ng-barmm-parliament https://remate.ph/seguridad-mas-hinigpitan-sa-inaugural-session-ng-barmm-parliament/#respond Fri, 30 Oct 2026 04:24:50 +0000 https://remate.ph/?p=762636 MANILA, Philippines – Walang magiging lockdown sa Cotabato City ngunit ipatutupad ang mas mahigpit na seguridad sa entry at border points sa makasaysayang inaugural session ng Bangsamoro Parliament. Iginiit ng mga awtoridad ang kahalagahan ng maigting na monitoring sa rehiyon sa paghahanda sa landmark event. Kabilang kasi dito ang paghalal at paglalagay ng bagong Chief […]

The post Seguridad mas hinigpitan sa inaugural session ng BARMM Parliament first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Walang magiging lockdown sa Cotabato City ngunit ipatutupad ang mas mahigpit na seguridad sa entry at border points sa makasaysayang inaugural session ng Bangsamoro Parliament.

Iginiit ng mga awtoridad ang kahalagahan ng maigting na monitoring sa rehiyon sa paghahanda sa landmark event.

Kabilang kasi dito ang paghalal at paglalagay ng bagong Chief Minister mula sa newly elected parliament members.

Nagsagawa na ng multi-phased security measure ang lokal na pulisya.

Kinumpirma rin ni City Police Director Police Colonel Jibin Bongcayao na nagpadala na ng karagdagang tropa sa iba’t ibnag lugar sa lungsod para bigyang seguridad ang high-profile event.

“We received concerning reports that is why we personally visited the areas and security points. We don’t want a repeat of the same chaotic scenario we’ve seen during the last election,” sinabi naman ni Brigadier General Edgar Catu matapos inspeksyunin ang mga pasilidad at security checkpoints.

“Enough of spreading lies and disinformation; it’s not helping the image of the Bangsamoro. Let’s rather unite to move forward,” sinabi naman ni Cotabato City Mayor Bruce Ali Matabalao sa kabila ng mga maling impormasyon na nagsasabing may manggugulo sa naturang event.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na manatiling kalmado, piliin ang kapayapaan, at huwag magpatangay sa mga naghahasik ng takot para dungisan ang imahe at pag-unlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). RNT/JGC

The post Seguridad mas hinigpitan sa inaugural session ng BARMM Parliament first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/seguridad-mas-hinigpitan-sa-inaugural-session-ng-barmm-parliament/feed/ 0
DFA secretary nagsagawa ng humanitarian mission sa Myanmar https://remate.ph/dfa-secretary-nagsagawa-ng-humanitarian-mission-sa-myanmar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dfa-secretary-nagsagawa-ng-humanitarian-mission-sa-myanmar https://remate.ph/dfa-secretary-nagsagawa-ng-humanitarian-mission-sa-myanmar/#respond Fri, 30 Oct 2026 04:12:41 +0000 https://remate.ph/?p=762635 MANILA, Philippines – Nagsagawa ng humanitarian mission sa Myanmar si Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro kasama si Union Minister for Foreign Affairs U Tin Maung Swe. Kasabay nito ay pinag-usapan ang pagpapalawak ng tulong na ihahatid sa mga apektado at hard-to-reach areas. Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang overall implementation ng Five-Point Consensus (5PC) at bilateral […]

The post DFA secretary nagsagawa ng humanitarian mission sa Myanmar first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagsagawa ng humanitarian mission sa Myanmar si Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro kasama si Union Minister for Foreign Affairs U Tin Maung Swe.

Kasabay nito ay pinag-usapan ang pagpapalawak ng tulong na ihahatid sa mga apektado at hard-to-reach areas.

Pinag-usapan ng dalawang opisyal ang overall implementation ng Five-Point Consensus (5PC) at bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

“The Nay Pyi Taw program included a symbolic handover of a reconstructed monastery in Pyinmana Township, where Secretary Lazaro also handed over religious robes and sacks of rice during the handover as a gesture of respect for Buddhist tradition and the community for whom the monastery has long served as a place of worship and for community gathering,” saad sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Secretary also visited and distributed school kits to the children in a prefabricated school building in Tha Pyay Pin Village. Both projects form part of the Philippines’ humanitarian assistance to Myanmar, coursed through the AHA Centre, to support the rebuilding of communities affected by the earthquake in 2025,” dagdag pa.

Ang biyahe ni Lazaro, Special Envoy ng ASEAN Chair, ay nataon sa ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Myanmar.

“Over seven decades, friendly relations between the Philippines and Myanmar have grown not only through official exchanges, but also through people-to-people ties. The humanitarian mission builds on this longstanding relationship connection while carrying forward the Philippines’ responsibilities as ASEAN Chair in 2026,” ayon sa DFA.

“Building on her earlier field visit to Taunggyi, Shan State, Secretary Lazaro will conclude her substantive engagements in Yangon through consultations with ASEAN Embassies,” dagdag pa. RNT/JGC

The post DFA secretary nagsagawa ng humanitarian mission sa Myanmar first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dfa-secretary-nagsagawa-ng-humanitarian-mission-sa-myanmar/feed/ 0
5 arestado sa binuwag na drug den sa Cavite https://remate.ph/5-arestado-sa-binuwag-na-drug-den-sa-cavite/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-arestado-sa-binuwag-na-drug-den-sa-cavite https://remate.ph/5-arestado-sa-binuwag-na-drug-den-sa-cavite/#respond Fri, 30 Oct 2026 04:00:35 +0000 https://remate.ph/?p=762674 MANILA, Philippines – Limang drug personalities na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang lusubin ang lugar na ginagawang drug den sa isinagawang operasyon sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite. Sa report, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ng PDEA Regional Office 4A […]

The post 5 arestado sa binuwag na drug den sa Cavite first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Limang drug personalities na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang lusubin ang lugar na ginagawang drug den sa isinagawang operasyon sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa report, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 2 (RSET 2), ang pagkakaaresto sa limang kalalakihan na kinilalang sina alyas Rommel, Jeff, Francis, Raymond at Jetro.

Nakumpiska sa mga ito ang tinatayang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱108,800, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12 at 15 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA

The post 5 arestado sa binuwag na drug den sa Cavite first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/5-arestado-sa-binuwag-na-drug-den-sa-cavite/feed/ 0
Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:48:59 +0000 https://remate.ph/?p=762677 SPAIN – Kabilang ang isang Filipino sa sugatan sa banggaan ng tren sa Spain na kumitil sa buhay ng 68 katao, ayon sa Philippine Embassy in Madrid. “As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained [a] minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad sa […]

The post Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na first appeared on Remate Online.

]]>
SPAIN – Kabilang ang isang Filipino sa sugatan sa banggaan ng tren sa Spain na kumitil sa buhay ng 68 katao, ayon sa Philippine Embassy in Madrid.

“As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained [a] minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad sa pahayag.

Hindi na sinabi ng embahada ang pangalan ng biktima o kasalukuyang kondisyon.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Analyn Ratonel na nitong Huwebes, Oktubre 29, ay namahagi ang embahada ng tulong sa pamilya ng mga turistang Pinoy na nasangkot sa banggaan sa Urda, Toledo.

Samantala, hinimok din ng embahada ang mga hindi makontak na kaanak na sakay ng tren sa Madrid-Andalusia line na makipag-ugnayan sa Renfe family helpline sa +34 900101020 o 24-hour hotline nito na +34 616491861.

Ang Renfe ang state railway operator ng Spain. RNT/JGC

The post Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/feed/ 0
Visayas grid isinailalim sa red, yellow alert https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-red-yellow-alert/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=visayas-grid-isinailalim-sa-red-yellow-alert https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-red-yellow-alert/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:36:50 +0000 https://remate.ph/?p=762676 MANILA, Philippines – Isinailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Biyernes, Oktubre 30 dahil sa kulang na suplay ng kuryente sa unavailability ng ilang power plant. Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa red alert status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Samantala, […]

The post Visayas grid isinailalim sa red, yellow alert first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Isinailalim sa red at yellow alert ang Visayas grid ngayong Biyernes, Oktubre 30 dahil sa kulang na suplay ng kuryente sa unavailability ng ilang power plant.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa red alert status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Samantala, nasa yellow alert naman ang Visayas grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Kasalukuyang nag-ooperate ang Visayas grid sa 2,359 megawatts (MW) capacity laban sa peak demand na 2,536 MW, dahil nananatiling unavailable ang 782.2 MW sa grid.

Nag-ambag ang mga sumusunod na dahilan sa pagdedeklara ng red at yellow alert:

Unavailability ng malalaking coal plants ng Visayas na TVI 1, TVI 2, at KSPC 1
Limited power imports mula sa Mindanao grid, dahil sa unavailability (planned outage) ng GNPK 4 at TSI 2

Idinagdag pa na ang walong planta ay naka-forced outage ngayong Oktubre, dalawang planta mula Setyembre, dalawa mula Agosto, isang planta mula Hunyo, tatlong planta mula Mayo, tatlong planta mula 2025, isang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023, at isang planta mula 2021, habang 20 planta ang tumatakbo sa derated capacity.

Iniisyu ang red alert status kapag limitado ang suplay ng kuryente para matugunan ang demand at regulating requirement ng grid.

Dahil dito ay inaasahan ang malawakang power interruptions o rotational brownout. RNT/JGC

The post Visayas grid isinailalim sa red, yellow alert first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/visayas-grid-isinailalim-sa-red-yellow-alert/feed/ 0
Babaeng nakapatay sa asawa dahil sa ‘battered wife syndrome’ pinawalang sala ng SC https://remate.ph/babaeng-nakapatay-sa-asawa-dahil-sa-battered-wife-syndrome-pinawalang-sala-ng-sc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=babaeng-nakapatay-sa-asawa-dahil-sa-battered-wife-syndrome-pinawalang-sala-ng-sc https://remate.ph/babaeng-nakapatay-sa-asawa-dahil-sa-battered-wife-syndrome-pinawalang-sala-ng-sc/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:25:43 +0000 https://remate.ph/?p=762675 MANILA, Philippines – ‎Pinawalang-sala ng Korte Suprema ang isang babae na nahatulang guilty sa kasong parricide o pagpatay sa sariling asawa matapos matukoy na dumaranas ito ng “battered wife syndrome.” ‎ ‎Sa desisyon ng 2nd Division noong Hulyo 14 na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, pinagbigyan ang apela ng babae na nahatulang guilty […]

The post Babaeng nakapatay sa asawa dahil sa ‘battered wife syndrome’ pinawalang sala ng SC first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – ‎Pinawalang-sala ng Korte Suprema ang isang babae na nahatulang guilty sa kasong parricide o pagpatay sa sariling asawa matapos matukoy na dumaranas ito ng “battered wife syndrome.”
‎
‎Sa desisyon ng 2nd Division noong Hulyo 14 na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, pinagbigyan ang apela ng babae na nahatulang guilty ng Regional Trial Court noong 2020 at sinentensyahan ng reclusion perpetua.
‎
‎Ipinag-utos ng SC ang agarang paglaya nito maliban kung may iba pa itong kinahaharap na kaso.
‎
‎Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at itinaas pa ang danyos na babayaran nito mula P30,000 at P25,000 patungong P75,000 at P50,000.
‎
‎Ngunit ayon sa SC, may merito ang apela dahil kahit inamin ng babae na binaril niya ang asawa gamit ang baril mismo nito, dulot ito ng matagal na emosyonal at pisikal na pang-aabuso.
‎
‎Binanggit ng Korte ang Section 26 ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act na nagsasaad na ang biktimang napatunayang dumaranas ng battered woman syndrome ay hindi mananagot sa kriminal at sibil na pananagutan.
‎
‎Sinabi rin ng Korte na nagkamali ang CA sa paghingi ng mataas na ebidensya.

“The Court of Appeals’ high evidentiary requirement is misplaced,” ayon sa SC.
‎
‎Napatunayan sa kaso ang paulit-ulit na cycle ng karahasan, mula sa panlalamig, pangangaliwa noong 2010, hanggang sa pambubugbog na nagdulot ng sugat noong 2012.

‎Dahil dito, ipinag-utos ng Korte ang agarang paglaya ng akusado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Babaeng nakapatay sa asawa dahil sa ‘battered wife syndrome’ pinawalang sala ng SC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/babaeng-nakapatay-sa-asawa-dahil-sa-battered-wife-syndrome-pinawalang-sala-ng-sc/feed/ 0
Mga kagamitang karga ng barkong namataan sa Bajo de Masinloc iniimbestigahan ng PCG https://remate.ph/mga-kagamitang-karga-ng-barkong-namataan-sa-bajo-de-masinloc-iniimbestigahan-ng-pcg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-kagamitang-karga-ng-barkong-namataan-sa-bajo-de-masinloc-iniimbestigahan-ng-pcg https://remate.ph/mga-kagamitang-karga-ng-barkong-namataan-sa-bajo-de-masinloc-iniimbestigahan-ng-pcg/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:12:27 +0000 https://remate.ph/?p=762673 MANILA, Philippines – ‎Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan at layunin ng hindi pa nakikilalang kagamitan na lulan ng isang barkong namataan sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 3. ‎ ‎Ayon sa PCG, kulay asul at puti ang barko na humihila ng mas maliit na […]

The post Mga kagamitang karga ng barkong namataan sa Bajo de Masinloc iniimbestigahan ng PCG first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – ‎Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan at layunin ng hindi pa nakikilalang kagamitan na lulan ng isang barkong namataan sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 3.
‎
‎Ayon sa PCG, kulay asul at puti ang barko na humihila ng mas maliit na speedboat at may dalang kulay kahel na bagay na hugis bangka na walang bintana sa likurang bahagi ng deck. May mga sensor at antenna ang naturang bagay.
‎
‎Sinisilip ng PCG kung ito ay submersible o kagamitang para sa underwater operations.
‎
‎Ayon kay PCG spokesperson, dati nang gumamit ang China ng remotely operated vehicles para magsagawa ng pananaliksik sa ilalim ng dagat.
‎
‎Nakaranas din ng ilang radio challenges ang PCG aircraft habang nagsasagawa ng maritime domain awareness flight.

Narinig din ang palitan ng radio communications sa pagitan ng Chinese forces at ng sasakyang panghimpapawid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpapatrolya malapit sa Bajo de Masinloc.
‎
‎Bukod sa barko sa loob ng lagoon, namataan din ng PCG ang limang Chinese maritime militia vessels, tatlong China Coast Guard ships, at isang People’s Liberation Army Navy warship sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Mga kagamitang karga ng barkong namataan sa Bajo de Masinloc iniimbestigahan ng PCG first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-kagamitang-karga-ng-barkong-namataan-sa-bajo-de-masinloc-iniimbestigahan-ng-pcg/feed/ 0
PBBM may paalala sa mga byahero ngayong Undas https://remate.ph/pbbm-may-paalala-sa-mga-byahero-ngayong-undas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pbbm-may-paalala-sa-mga-byahero-ngayong-undas https://remate.ph/pbbm-may-paalala-sa-mga-byahero-ngayong-undas/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:00:47 +0000 https://remate.ph/?p=762684 MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang publiko lalo na ang mga babiyahe ngayong Undas. Sa kanyang video message, unang paalala ng Pangulo ay planuhin ng mga mamamayang filipino ang kanilang biyahe at alamin ang mga abiso tungkol sa trapiko at pagbabago ng ruta. Kung gagamit aniya ng pampublikong transportasyon, agahan ang […]

The post PBBM may paalala sa mga byahero ngayong Undas first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang publiko lalo na ang mga babiyahe ngayong Undas.

Sa kanyang video message, unang paalala ng Pangulo ay planuhin ng mga mamamayang filipino ang kanilang biyahe at alamin ang mga abiso tungkol sa trapiko at pagbabago ng ruta.

Kung gagamit aniya ng pampublikong transportasyon, agahan ang pagpunta sa terminal at kung maaari ay bumili na ng ticket nang maaga.

At para naman sa mga biyaheng may online ticketing, hinihikayat ng Pangulo na gamitin ito upang makaiwas sa mahahabang pila sa mga terminal.

“Mag-ingat din sa pagdadala at pagsisindi ng kandila. Sundin ang mga patakaran sa sementeryo at makipagtulungan sa ating mga awtoridad. At higit sa lahat, mag-ingat sa inyong paglalakbay,” ani Pangulong Marcos.

Tiniyak ng Pangulo na bukas ang linya ng mga ahensiya ng pamahalaan upang alalayan ang mga ito.

Nandiyan aniya ang 911 para sa mga emergency at ang mga official page ng DOT, DPWH, DOH, MMDA, PNP at BFP para ipakalat ang mahahalagang impormasyon.

“Ang Undas ay panahon ng paggunita at pag-alala sa ating mga mahal sa buhay. Nawa’y maging payapa at makabuluhan ang pagdalaw ng bawat pamilyang Pilipino,” anito

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga publiko para sa Undas.

Una na aniya rito ay ang kaligtasan ng mga byahero.

Sa katunayan ay nagsasagawa na aniya ang Department of Transportation and Communication at mga ahensiya ng malawakan at masusing pag-inspeksyon sa mga paliparan, pantalan at terminal ng bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Patuloy aniya ang inspeksyon at pag-aayos ng mga pangunahing kalsada upang maiwasan ang abala sa byahe.

Ang mga agarang pagkukumpuni aniya ay tatapusin upang mabawasan ang abala sa trapiko sa pagdagsa ng byahe.

“Tinitiyak natin na may sapat na masasakyan ang ating mga kababayan,” ayon sa Pangulo.

Nagbigay na aniya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mahigit 1,000 special permit para sa mga dagdag na bus.

Naglabas din aniya ang MARINA ng relaxation order at special permits mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2026., upang mas maluwag aniya ang iskedyul ng pagbyahe ng mga pampasaherong barko. Magkakaroon din aniya ng mga karagdagang byahe sa ilang ruta kung kinakailangan.

“Para sa mga kababayan nating lilipad papasok o palabas ng bansa, tinitiyak natin na sapat ang tao at walang bakanteng immigration counter mula Oktubre 30 hanggang November 3,” aniya pa rin.

Winika pa ng Pangulo na paiigtingin din ang paggamit ng digital system kagaya aniya ng eGates upang mas mapabilis ang pagpila. Kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero, magkakaroon ng round-the-clock help desk ang mga pangunahing terminal mula October 29 hanggang November 3 upang umalalay sa mga biyahero.

Sa Metro Manila aniya, mahigit 2,000 tauhan ng MMDA ang itatalaga upang tumulong sa pamamahala ng trapiko, lalo na sa mga lugar na malapit sa mga sementeryo.

“Pangalawa, ang kaayusan sa mga pampublikong lugar na dadayuhin ng ating mga kababayan. Nagsasagawa ng inspeksyon ang iba’t ibang ahensya upang tiyakin na handa at ligtas ang mga sementeryo, simbahan at iba pang mataong lugar,” ayon sa Pangulo.

Tiniyak aniya niya na ang bawat sementeryo at kolumbaryo ay may pulis upang siguruhin ang kaligtasan at kaayusan.

Ang Bureau of Fire Protection aniya ay may nakahandang rumesponde kung sakaling magkaroon ng insidente.

“Pangatlo, ang kahandaan sa anumang emergency. Nakaalerto ang ating mga ospital at health emergency teams,” ang tinuran ng Pangulo.

Patuloy rin aniya ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang mabilis na makatugon sa anumang insidente. KRIS JOSE

The post PBBM may paalala sa mga byahero ngayong Undas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pbbm-may-paalala-sa-mga-byahero-ngayong-undas/feed/ 0
40 pasahero, 18 crew nasagip sa tumagilid na Roro sa Quezon https://remate.ph/40-pasahero-18-crew-nasagip-sa-tumagilid-na-roro-sa-quezon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=40-pasahero-18-crew-nasagip-sa-tumagilid-na-roro-sa-quezon https://remate.ph/40-pasahero-18-crew-nasagip-sa-tumagilid-na-roro-sa-quezon/#respond Fri, 30 Oct 2026 02:48:37 +0000 https://remate.ph/?p=762683 MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 40 pasahero at 18 tripulante ng RoRo/passenger vessel na MV Virgen de Peñafrancia II na tumagilid sa kanang bahagi nito 10 metro mula sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon, bandang 12:44 ng madaling araw ngayong Oktubre 30, 2026. Ligtas na nailikas ang lahat […]

The post 40 pasahero, 18 crew nasagip sa tumagilid na Roro sa Quezon first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 40 pasahero at 18 tripulante ng RoRo/passenger vessel na MV Virgen de Peñafrancia II na tumagilid sa kanang bahagi nito 10 metro mula sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon, bandang 12:44 ng madaling araw ngayong Oktubre 30, 2026.

Ligtas na nailikas ang lahat ng 58 sakay, kabilang ang dalawang sanggol, at natapos ang rescue operation bandang 3:30 ng umaga.

Sumailalim sila sa pagsusuri ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Real at kinumpirmang nasa maayos na kondisyong pisikal ang lahat.

Ang barko, na pinapatakbo ng Starhorse Shipping Lines Inc., ay bumibiyahe mula Polillo Port patungong Real Port na may kargang 14 rolling cargo nang mangyari ang insidente.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, bagama’t natural na nawawala ang marine diesel oil, naglatag pa rin ang Coast Guard ng oil spill booms para protektahan ang kalapit na komunidad sa baybayin.

Iniinspeksyon din ng PCG personnel ang natitirang fuel at oil inventory ng barko para matiyak ang posibleng polusyon sa dagat, matapos ibahagi ng crew na may 1,300 litro ng marine diesel oil sa service tank nito.

“We have directed the shipping company to apply for an Emergency Salvage Permit and undertake measures to safely remove the distressed vessel,” ani Commodore Cayabyab.

“Further investigation and monitoring are ongoing to determine the cause of the incident and assess its environmental impact,” dagdag pa niya.

Tiniyak ng PCG na hindi maapektuhan ng insidente ang biyahe ng mga pasahero sa Southern Tagalog.

“The Coast Guard District Southern Tagalog has recorded the highest passenger volume across all PCG Districts nationwide, with 4,107 outbound and 4,373 inbound passengers from 12MN to 6AM today, October 30. Rest assured that our personnel will continue to intensify secure and safety inspections amid the observance of Undas to uphold sea passenger welfare,” pagtitiyak ni Commodore Cayabyab. Jocelyn Tabangcura- Domenden

The post 40 pasahero, 18 crew nasagip sa tumagilid na Roro sa Quezon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/40-pasahero-18-crew-nasagip-sa-tumagilid-na-roro-sa-quezon/feed/ 0