Home OPINION AWAYAN SA RICE TARRIFICATION LAW

AWAYAN SA RICE TARRIFICATION LAW

PINAG-AAWAYAN ang panukalang amyenda sa Rice Tarrification Law o RTL sa loob at labas ng Kongreso.

May mga tumututol at may mga nagpupursige nito.

May kanya-kanyang dahilan ng pagtutol o pagsusulong nito.

May kanya-kanyang interes kaya sila nagbabangayan.

Pero dapat lahat ay nakasentro sa kapakanan ng mga magsasaka at mamamayan.

‘Yung bang === kita para sa makataong kalagayan ang mga magsasaka at apordabol na presyo para sa iba o buong bayan.

ANG AMYENDA

Sa ilalim ng RTL, bawal ang National Food Authority na mag-angkat ng bigas at ipinauubaya ito sa mga pribadong kompanya.

Sa halip, tanging sa mga magsasakang Pinoy dapat bumili ang NFA ngunit palay lamang o kung may bigas man, kaunti lang.

Konti lang dahil ang pangunahing trabaho na lang ng ahensya ay mag-ipon ng buffer stock o reserba laban sa kalamidad.

‘Yun bang === hindi dapat maubusan ng bigas ang Pinas sa mga oras ng kalamidad lalo’t libo-libo o milyon katao lagi ang biktima rito.

May problema nga lang sa NFA.

Hindi nito nagagamit nang todo ang pondo nito na pagbili ng palay o bigas sa hindi malinaw na dahilan.

Pero sa panahon mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, ‘di ba may malaking bulto na ibinenta sa NFA at iniimbestigahan sa kasalukuyan?

May 75,000 sakong ibinenta sa pribadong kompanya ang NFA ng halagang P25 kada kilo habang P70 ang presyo nito sa merkado.

Magtanong pa kayo kay ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo.

Nang magkaroon ng imbestigasyon, isiniwalat pa ng namumuno sa NFA na maging noong 2021 at 2022 ay nagbenta ng malalaking bulto ang NFA nang walang pasubasta.

Hindi umano nangangailangan ang NFA ng pasubasta sa pagbebenta ng bigas.

Isa pang problema, sabi ng iba, hindi mga Pilipinong magsasaka at mamamayang Pinoy ang pangunahing makikinabang sa panukalang dapat muling mag-angkat ang NFA ng bigas kundi mga dayuhan.

Kapag gagamitin ng NFA ang bilyon-bilyong pondo nito sa pagbili ng dayuhang bigas, yung halagang iyon ang ipagkakait namang tulong sana sa mga magsasakang Pinoy.

At ‘pag nakapag-angkat na ang NFA, mga pribadong trader ang paboritong buyer ng NFA rice sa murang halaga na kapag nagpalit ng sako at naging commercial ang tatak, mahal na.

Lahat ng ito, mga Bro, ang pinag-aawayan sa panukalang amyenda sa RTL.

Hindi pa isinasama ang mabilis na land conversion ng mga palayan para maging subidibisyon at commercial and indusrial kaya paliit nang paliit ang palayan.

INTERES NG MGA MAMAMAYAN

Muli, dapat ang interes ng mga mamamayan at magsasakang Pinoy ang higit na isaalang-alang sa lahat.

Kung ang mga produktong bigas ng mga Pinoy ang mangingibabaw sa pamilihan at magaaan ang presyo sa mga ordinaryong mamamayan, yan dapat ang lalamnin ng amyenda.

Pero kung patutungo ang amyenda sa paglobo ng bulsa ng mga opisyal ng gobyerno at negosyante sa bigas, kasama ang mga rice cartel at dayuhanng magsasaka, malilihis na ang panukalang amyenda.

Korapsyon ‘yan na matindi at pwedeng dito isulong ang economic sabotage sa mga salbahe sa bigas.