Home NATIONWIDE AWOL na parak, 2 kasabwat timbog sa drug den

AWOL na parak, 2 kasabwat timbog sa drug den

CEBU CITY- ARESTADO ang isang absent without leave (AWOL) na pulis at dalawang kasabwat nito sa isinagawang drug buy bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 at Cebu City-PNP, kahapon sa lungsod na ito.

Ayon kay Leia Alcantara, PDEA-information officer, target sa operasyon ang nadakip na suspek na isang Police Staff Sergeant, 58, at dalawang kasama nitong sina si alyas Cosme, 61, driver, taga Samboan, at alyas Seighbrey, 46, parking boy, taga Barangay Santo Niño, ng naturang lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nadakip ang mga suspek nitong Miyerkules, Enero 15m 2025 sa Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.

Nakuha sa mga suspek ng 7 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 18 gramo na tinatayang aabot sa halagang P122,400, buy-bust money, cellphone at mga drug paraphernalia.

Sinabi pa ng pulisya, taon 2004 natanggal sa serbisyo ang nahuling pulis at nakulong ito taon 2016 sa kasong kaparehong kaso at naabswelto ito taong 2022 .

Subalit sa isinagawang monitoring ng mga awtoridad natunton nila ang suspek na muli itong bumalik sa dating iligal na aktibidades at nakakapagbenta ito ng 10 hanggang 50 gramo sa loob ng isang linggo.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico