Manila, Philippines – Isa sa newsmakers noong nakaraang taon ay tungkol sa showbiz personalities na nasangkot sa isyu ng scam.
Naging usap-usapan noon ang inihain na syndicated estafa ng investors ng isang skin care brand kay Neri Naig na sa kasalukuyan ay wala pa ring resolusyon.
Pati ang endorser nitong si Rufa Mae Quinto ay nakasuhan din kaugnay ng paglabag sa Securities Regulation Code.
Lately nga, pagkatapos ng kanyang US trip ay sumuko si Rufa Mae sa NBI para harapin ang complaints sa kanya.
Pero tila may tail-end pa rin ang isyu ng scam dahil hanggang ngayon ay marami pa ring nabibiktima.
Ayon nga sa isang popular na psychic, patuloy pa rin daw na magkakaroon ng ganitong mga kontrobersya sa showbiz.
Katunayan, pinag-iingat niya ang Kapuso actor na si Dennis Trillo dahil posible raw itong ma-scam.
Gayunpaman, positibo pa rin daw ang nakikita niya sa Kapuso actor.
Tuloy pa rin daw ang paggawa nito ng mga makabuluhang proyekto pagkatapos na manalo ng best actor awards sa MMFF para sa pelikulang “Green Bones.”
Posible rin daw na magkaroon ng iba pang award ang aktor ngayong taon.
Nakikita naman namin na malaki ang tsansa na ma-recognize ang aktor sa isang proyekto kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang serial killer.
Actually, ito iyong sinasabi niyang dream role niya.
Sa asawa naman ni Dennis na si Jennylyn Mercado, matunog ang vibes ng naturang psychic na babalik ang aktres sa paggawa ng serye sa GMA-7 bilang Kapuso.
Magiging matagumpay nga rin daw ang kanilang tandem ng mister.
Smooth-sailing din daw ang pagsasama ng Kapuso couple dahil sa pagiging low-key nila kaya di takaw-kontrobersya. Archie Liao