SIQUIJOR- KALABOSO ang kinabagsakan ng limang kalalakihan dahil sa P10 na ginawang singsing sa isang beach sa bayan ng San Juan.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng San Juan Municipal Police Station, ang mga suspek na hindi pinangalanan at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 247.
Nabuko ang iligal na gawain ng mga suspek matapos mag-post sa Tiktok ang isang dayuhan na nagpagawa ng singsing gamit ang P10 barya kapalit sa halagang P1,500.
Ayon kay Mark Fajardo, ng BSP Payments and Currency Investigation Group, agad silang naglatag ng operasyon laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito .
Narekober sa mga suspek ang mga barya at mga gamit nila sa paggawa ng singsing na aabot sa 30 hanggang 40 piraso ang nagagawa ng mga ito sa loob ng isang araw.
“Defacing, mutilating, tearing, or partially burning or destroying our currency by any means renders it unfit for circulation, thereby unduly shortening its lifetime.”, ang sinoman na napatunayan nagkasala ay karampatang parusa, ani pa ni Fajardo./Mary Anne Sapico