Home METRO AWOL na parak huli sa panghoholdap sa restoran

AWOL na parak huli sa panghoholdap sa restoran

TACLOBAN CITY – Arestado ang isang pulis na nag-Absent Without Official Leave dahil sa umano’y pagnanakaw sa isang fast food restaurant sa Carigara, Leyte, noong Miyerkules, Abril 10.

Kinilala ang suspek na si Salvador Humbria, 37, dating nakatalaga sa Leyte Police Provincial Office at residente ng Barangay Ponong, Carigara.

Sinabi ng pulisya na bigla na lang nilapitan ng suspek ang cashier at tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nakuha ng suspek ang pera sa cash register na nagkakahalaga ng P2,580 at tumakas sa hindi malamang direksyon.

Nahuli ng mga awtoridad ang suspek sa isang hot-pursuit operation noong Huwebes, Abril 11, sa Barangay Ponong.

Nahaharap ang suspek sa mga kaukulang kaso. RNT