Home METRO AWOL na pulis, patay sa pamamaril sa sabungan

AWOL na pulis, patay sa pamamaril sa sabungan

215
0

LEYTE, Philippines – Patay ang isang absent without official leave (AWOL) police officer noong Linggo sa Sitio Gungab, Barangay Poblacion, Albuera, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Dexter Patun-og, 47, na AWOL noong 2007 at residente ng Bliss Bagong Buhay, Ormoc City, Leyte.

Ayon sa ulat, nanonood ng sabong ang biktima nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang gunman at pinaputukan siya. Nagtamo ng maraming tama ng bala si Patun-og at namatay on the spot.

Sa gulat ng mga tao, nagsipulasan ang mga ito sa Antonio B. Zaldivar Cockpit and Sports Center upang makaalis sa insidente.

Naglunsad ng imbestigasyon ang Albuera Municipal Police Station at nagsagawa ng pursuit operation para matukoy at madakip ang suspek.

Ito ang pangalawang marahas na insidente dito sa loob ng dalawang araw. Noong Sabado, isang barangay chairman at ang kanyang driver ang nasugatan sa pananambang na kinondena naman ni Mayor Kerwin Espinosa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here