NUEVA Vizcaya, Philippines – Arestado ang isang babae nang marekober sa kanya ang 18 sachet ng hinihinalang shabu sa pagpapatupad ng search warrant kamakailan sa Barangay Bone North, Aritao, Nueva Vizcaya.
Nakuha kay alyas “Mary Jane” ang 15 medium-sized na sachet ng shabu na tumitimbang ng tig-iisang gramo.
Tatlong sachet pa ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020 ang nakitang nakatago sa loob ng bibliya. Nakumpiska din sa kanya ang isang cellphone, coin purse, at lighter.
Ang search warrant na inilabas ng korte sa Nueva Vizcaya ay ipinatupad ng pulisya kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon sa ulat, napansin ng mga otoridad na tila may nilunok ang suspek habang isinasagawa ang operasyon, na nagdulot ng hinala na posibleng karagdagang sachet ng shabu ito upang itago bilang ebidensya.
Ang kanyang live-in partner, na target din ng operasyon, ay wala sa panahon ng pagpapatupad ng search warrant.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa droga. RNT/MND