Home METRO P6-B pinsala dala ni “Emong” sa La Union

P6-B pinsala dala ni “Emong” sa La Union

231
0

SAN FERNANDO CITY, La Union – Umabot na sa P6 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura, at mga alagang hayop mula sa tropical cyclone na ‘’Emong’’ sa lalawigang ito.

Dalawa ang nasawi at tatlo ang nasugatan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon sa isang situational report na inilabas noong Agosto 2, ang pinsala sa imprastraktura ay P5,861,135,269. Ang pinsala sa agrikultura ay P145,599,617.86 at P7,093,770 sa mga alagang hayop at manok.

May kabuuang 27,732 bahay ang nasira, 33,332 ang bahagya at 4,122 ang kabuuan.

Tiniyak ni Gobernador Manuel Ortega ang patuloy na tulong sa mga apektadong residente at nangakong ibabalik sa normal ang lalawigan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here