Home NATIONWIDE Mainit na panahon, asahan dahil sa “monsoon break”

Mainit na panahon, asahan dahil sa “monsoon break”

253
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mainit na panahon ang asahan ngayong Lunes, Agosto 4, dahil sa southwest monsoon (habagat) break; ngunit maaari pa rin makaranas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa karamihang bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila.

“Hot, humid weather is expected in Metro Manila and most parts of the country, but isolated rain showers and thunderstorms are also possible, especially in the afternoon and evening.” ayon kay PAGASA weather specialist Daniel Villamil.

Tanging ang Batanes at Babuyan Islands lamang ang apektado ng “habagat” na makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, dagdag ng PAGASA.

Hindi nagtaas ng gale warning ang PAGASA sa alinman sa mga seaboard ng bansa.

Samantala, patuloy na binabantayan ng weather bureau ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Nitong 3:00 ng umaga, namataan ito sa layong 1,445 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

Sinabi ni Villamil na ang LPA ay maaaring pumasok sa PAR sa Lunes at maaaring magdulot ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas sa Huwebes at Biyernes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here