Home NATIONWIDE Ayuda sa mga magsasaka, mangingisda na apektado ng bagyong Aghon siniguro ng...

Ayuda sa mga magsasaka, mangingisda na apektado ng bagyong Aghon siniguro ng DA

MANILA, Philippines – Mahigpit na minomonitor ng Department of Agriculture (DA) ang sektor ng agrikultura kasabay ng pagsisiguro na tutulungan nito ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyong Aghon.

Kabilang sa mga tulong na ito ay ang pagbibigay ng mga punla para sa mais at bigas, maging ang mga gamot at biologics para sa livestock at poultry sa safe storage facilities, ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center Bulletin No. 3 nitong Linggo, Mayo 26.

Inalerto ang DA regional field offices para magsagawa ng field monitoring sa posibleng mga pinsala sa bagyo.

“Harvest mature crops and utilize post-harvest facilities (and) perform early harvest and mobilize post-harvest equipment and facilities (for fishers),” ayon sa Bulletin No. 2 ng DA-DRRM.

Hinimok din ang mga magsasaka na mag-imbak ng seed reserves, planting materials, at farm inputs; paglilikas ng mga hayop na may sapat na feeds at tubig; paglilipat ng farm machinery at mga kagamitan sa mas mataas na lugar; at paglilinis ng mga drainage sa irigasyon at palayan upang maiwasan ang pagbaha.

Binalaan din ang mga mangingisda na iwasan munang maglayag at ilipat ang mga bangkang pangisda sa mas mataas na lugar. RNT/JGC