Home NATIONWIDE PH, US WWII soldiers kinilala ng AFP sa Memorial Day

PH, US WWII soldiers kinilala ng AFP sa Memorial Day

MANILA, Philippines – Lumahok ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa United States Embassy at iba pang dignitaries bilang paggunita sa Memorial Day.

Sa event na idinaos sa Manila American Cemetery and Memorial sa Taguig, sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad na kinilala roon ang mga sakripisyo ng mga Amerikano at Filipinong sundalo na lumaban noong World War II.

Pinangunahan ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang Filipino military delegation.

“Despite inclement weather, the ceremony included the laying of wreaths, a moment of silence, and firing salute and taps that echo the enduring alliance between the United States and the Philippines,” saad sa pahayag ni Trinidad nitong Lunes, Mayo 27.

Kinikilala sa Memorial Day ang mga sundalong nasawi habang naglilingkod sa US Armed Forces.

Ang Manila American Cemetery and Memorial ang pinakamalaking sementeryo sa Pacific, na himlayan ng mahigit 17,000 American at Filipino service members. RNT/JGC