Home METRO Sanggol, 2 iba pa patay sa bagyong Aghon sa Quezon – police

Sanggol, 2 iba pa patay sa bagyong Aghon sa Quezon – police

MANILA, Philippines – Patay ang isang pitong buwang gulang na sanggol at dalawa iba pa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon sa Quezon province.

Iniulat ng Quezon police nitong Lunes, Mayo 27, na namataan ng mga mangingisda ang lumulutang na bangkay ng isang sanggol sa dalampasigan ng Barangay Ilayang Polo, Pagbilao.

Ayon sa mga imbestigador, ang biktima at ang ina nito ay nasa kanilang barong-barong sa taas ng fish cage sa Tayabas Bay sa Barangay Punta, Padre Burgos nang hampasin ng malalakas na alon ang tinitirhan ng mga ito.

Dahil dito ay nahulog sa dagat ang sanggol saka tinangay ng malalaking alon.

Samantala, sa Lucena City, patay ang biktimang si “John,” 14-anyos nang mabagsakan ng puno ang kanilang tirahan sa Barangay Ibabang Iyam habang natutulog.

Patay din ang 50-anyos na magsasaka sa San Antonio nang mabagsakan ng puno ng acacia ang nipa hut sa Barangay Sampaga.

Tinamaan ng puno ang biktima saka namatay on the spot. RNT/JGC