Home METRO 6 na pamilyang na-trap sa baha, nasagip

6 na pamilyang na-trap sa baha, nasagip

LUCENA CITY- NASAGIP ng mga operatiba ng Maritime Group-Philippine National Police (PNP) ang 6 na pamilya matapos ma-trap sa baha nitong Lunes, Mayo 27 dulot ng tropical cyclone “Aghon” sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jonathan Cabal, director ng PNP-Maritime Group, sa tindi ng buhos ng ulan lumubog sa baha ang Barangay Dalahican at na-trap ang 6 na pamilya na kinabibilangan ng 21 katao.

Mabilis na rumesponde ang mga operatiba ng MG-PNP sa nasabing lugar at iniligtas ang 6 na pamilya saka dinala ang mga ito sa evacuation center sa Dalahican Annex Elementary School.

Sa report ng mga awtoridad umabot 5,000 katao ang na-stranded sa haliba’t ibang daungan ng bansa at halos libong katao naman ang naapektuhan ng bagyong Aghon. Mary Anne Sapico