Home METRO Babae arestado sa P238K shabu

Babae arestado sa P238K shabu

MANILA, Philippines – BAGSAK sa kulungan ang isang babae na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makuhanan mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw, Hunyo 11.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Noezel, 36, (SLI/Pusher) ng Brgy. Marulas.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-4:35 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Liwayway St. Brgy., Marulas.

Nabatid na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 35 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P238,000.00, buy bust money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money, P300 recovered money, cellphone at coin purse.

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. Rene Manahan